nakapanghihilabot na panaginip… katotohanan kaya???
Abril 9, 2007
Ganito ang setting, ready to sleep na ako, ganoon pa rin ang ayos ng kama at kwarto ko, pero ang weird nito eh ang stuffed toy na aso na ibinigay sakin ni panchikoy eh nasa desk at nakaharap saken, itinago ko kasi iyon sa isa pang kwarto.
Pero mas nagulat ako nung biglang nagsalita, malaki ang boses at lalaki ang nagsasalita. Parang words ng ibang language ang sinasabi niya.
Habang palakas ng palakas eh hindi ako makagalaw at makahinga. Kumilos yung stuffed toy. Lumakad siya papunta sa akin at patuloy pa rin niyang sinasambit ang mga words na hindi ko maintindihan.
Pinilit kong magising sa panaginip na iyon. Nung naimulat ko na ang mga mata ko eh parang nananaginip pa rin ako. Hindi pa rin ako makakilos, makahinga ng maayos at pinagpapawisan ako ng todo-todo. Patuloy ko pa rin naririnig ang boses.
Naroon ang tita ko at dalawang pinsan sa kwarto. Pinilit kong sumigaw pero walang tinig na lumalabas.
Naiiyak na ako.
Nagdarasal na ako.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Nung idilat ko ulit ito eh, nagulat na lang ako dahil nakapatong ang stuffed toy saken at nagsimula na naman magsalita. Naigalaw ko yung kanang kamay ko. Hinagis ko ang stuffed toy palayo sa akin. Natanggal nga yung isang tenga niya sa sobrang lakas ng pagkakahagis.
Tapos biglang lumiwanag.
Nagising ako.
Umaga na.
Tulog pa rin ang mga kasama ko.
Dali-dali kong pinuntahan ang kinalalagyan ng stuffed toy.
Naroon pa rin. Pero wala ang isang tenga.
Ano kaya ang ibig sabihin nito?
gusto ko… pero…
Abril 6, 2007
…gusto kong kumanta… pero pangit naman ang boses ko…
…gusto kong matulog… pero maingay ang kapitbahay…
…gusto kong mag-gitara… pero wala naman akong gitara…
…gusto kong bilhin ang paborito kong damit… pero wala naman akong pera…
…gusto kong pumunta ng Baguio… pero sakitin naman ako…
…gusto kong kumain ng lechong manok… pero meron akong braces…
…gusto kong mag-swimming… pero may sipon ako ngayon…
…gusto kong mag-post sa blog ko… pero wala naman nagbabasa ng blog na ito…
…gusto kong lumayas sa bahay… pero saan naman ako pupunta?
…gusto kong balikan ang nakaraan… pero wala naman akong time machine…
…gusto kong burahin ang mga pagkakamali ko… pero wala naman ako pambura…
…gusto kong gumawa ng libro… pero wala naman akong maisip kung tungkol saan ito…
…gusto kong ma-TV… pero nahihiya naman ako…
…gusto kong magka-cellphone… pero ayaw ng ermats ko…
…gusto kong mag-college sa UST… pero gusto nila sa SLU…
…gusto kong magkaroon ng kuyang matino… pero hindi na to mangyayari…
…gusto kong magkaroon ng kotse… pero hindi naman ako marunong mag-drive…
…gusto kong gumawa ng mabuti… pero napakasama ko namang tao…
…gusto kong baguhin ang buhay ko… pero di ko alam kung saan sisimulan…
…gusto kong umibig… pero matagal ng patay ang puso ko…
dramang inabot ko sa ex niya…
Abril 6, 2007
Isang malamig na gabi sa kama kong malambot ay may biglang tumawag sa telepono.
Caller: Hello?
Me: Hello?
Caller: Pwede kay Abigail?
Me: Ako po yun? Sino po ba sila?
Caller: f*ck you, so ikaw pala yung panget na babaeng kinababaliwan niya. You’re a b*tch! Alam mo ba kung sino ako? Ako lang naman ang inagawan mo! Kapal ng mukha mo! Wala ka naman binatbat sa akin! Wala ka sa kalingkinan ko! Wala kang kwenta! Anong maipagmamalaki mo ha?! Brain is all what you have!!!
(1 minute silence)
Me: Bakit? Meron ka ba noon?(sabay bagsak ng phone)
Pagkatapos ko binaba ang phone eh naiyak ako. Tawagin ba akong panget?
HOW TO FALL IN LOVE?
Abril 4, 2007
Ang love ay parang hagdanan… dapat step by step….
Parang wet floor… dapat watch your step…
At parang…
parang… love quotes na to ah???
Tulad nga ng nasabi ko, dapat ang mga taong umiibig ay kelangan step by step and watch your every step dahil hindi basta-basta ang umibig! This is the procedures on how to fall in love…
1. FALL BUT DON’T STUMBLE
natural! wag kang papadapa sa harapan niya dahil nakaka-turn-off yun! dumapa ka sa
kama niya… este sa puso niya!
2. BE CONSISTENT NOT PERSISTENT
huwag mong piliting halikan/yakapin ka ng mahal mo. malay mo, di pa siya naliligo or nagtu-toothbrush kaya ayaw niya pahalik/payakap…
3. UNDERSTAND BUT DON’T DEMAND
wag kang mag-demand na kung anu-ano, lalo na pagdating sa S-E-X. seryoso na dapat tayo pagdating diyan dahil hindi basta-basta yan! intindihin mo na lang na “MERON” siya ngayon kaya hindi pa pwede…
. SHARE AND NEVER BE UNFAIR
kapag nagbigay siya eh di magbigay ka rin! kaya kapag binigyan ka ng roses, bigyan mo siya ng tinik…
5. HURT BUT NEVER KEEP THE PAIN
siyempre, hindi mawawala yan sa pag-ibig. kapag hindi ka nasaktan, hindi love ang nararamdaman mo. pero wag mong itago ang pain, let it go. but make sure na natuto ka sa mga pagkakamali mo. pakawalan mo yang sakit. masikip na nga ang bra sa dibdib, dagdagan mo ng problema mo! and sikip noon baka hindi ka na makahinga… bwahahaha…
Mga palusot…
Abril 3, 2007
One Monday night at my lola’s house, Jomar, my inaanak, told me that he wanted an ice cream. Siyempre, walang datung ang lola niyo, I’ve made a palusot.
Me: Rocky, bawal kumain ng ice cream ‘pag gabi, sasakit tiyan mo.
But Jomar made sakat.
Jomar: Eh, hindi pa naman gabe… madilim lang…
Hmm… mana kay ninang!!! What do you think?
THE SEVENTEENTH SONG
Abril 3, 2007
I’ve composed my seventeenth song. It took only 36 minutes(to be exact) to finish it. Medyo madali lang ang pagsulat sa kantang ito kase masyado na akong depressed. I miss my classmates and friends TOO much. This song is kind of alternative rock pero may pagka-ballad rin. Depende na lang kay Azel(taga-lagay ng chords) kung ano ang magiging resulta, at depende rin kung gagawan niya ng chords(napakatamad ng lalaking yun!).
Ok, this is another song of mine entitled ONE LAST SONG.
Verse 1:
Faded photographs
Memories that we ought to think they would last
The wonderful days
Someday we will gonna find them on our way
Refrain:
And now I’m trying
To put up all these things together
And now I’m singing
this one last song forever
Chorus:
So hear me sing
All what can our hearts might bring
So hear me scream
Scream out all our hopes and dreams
Because this is our one last song to sing
Verse 2:
So many years passed by
Those laughter might end up in a simple goodbye
We know that nothing last
And in this cycle everything changes so fast
(Repeat Refrain and Chorus)
(Adlib)
(Repeat Chorus)
Hayan, ganyan lang noh. Sana marinig ng mga classmates and friends ko toh.
SUCCESS!!!
Marso 30, 2007
WAAAAAAAAAHHHHHH…
Pasintabi sa mga kumakain na readers.
Grabe, ngayon lang nangyari sa akin ito… ngayon lang nangyari sa isang normal na tao ito… at ngayon lang ito nangyari dito sa mundong ibabaw…
ANG PAGPAWISAN NG TODO-TODO SA PAG-IRE MO NG EBAK…
Sa sobrang tigas ng ebak eh ang hirap lumabas. Halos dalawang oras na akong nasa banyo. Naduduling na nga ako at nag-swi-swimming sa sariling pawis.
Di ko alam kung ano ba ang nakain ko. Di ko na rin alam kung makakalabas pa ako sa banyo. Ginawa ko na ang lahat para lang lumabas. Parang dudugo na nga ang pwet ko.
Actually, may pagkakataon nga na nag-decide akong wag na lang ituloy. Kaya lang nakabitin talaga siya sa pwet ko. At may mga times talagang umiiyak na ako. Gusto kong tawagin ang ermats ko para humingi ng tulong. Kaya lang, nagdadalawang-isip ako. Baka ipagsabi pa niya ito sa mga kapit-bahay.
Humihingi na rin ako sa Diyos ng milagro. Sana may barbeque stick sa banyo para tusuk-tusukin ko para lumabas. Sana may lubricant ako para dumulas na lang at lumabas. At sana matapos na ang kalbaryong to.
Wala na akong nagawa noon, sumuko na lang ako. Hinintay ko na lang lumabas. Pero nung dumating yung time na inaantok na ako eh bigla na lang bang dumulas at lumabas. Ay, Diyos ko po, ang saya ko nung time na yun. At alam niyo ba kung ano yung lumabas? Isang pagkaliit-liit na ebak.
Hay, what an experience nga naman!!!
Hello world!
Marso 30, 2007
Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!
ICE CANDY FOR SALE
Marso 22, 2007
Para sa mga biyahilo…
Marso 21, 2007
may mga tao tayong nakikilala na talagang dadaan lang sa buhay natin. parang mga nagbebenta ng balot. pagkatapos nilang makabenta ng isa o dalawang balot o penoy o chicharong puro hangin e hahanap na sila ng bagong ruta. hindi gaya ng magtataho, madalas silang bumabalik.
o parang pag buma-biyahe ka, sa north luzon expressway, minsan kailangan mong huminto sa gas station para umihi. o bumili ng kape sa starbucks kung sosyalin ka. pero pagbalik mo, hindi ka na don iihi uli o bibili ng kape kasi nasa kabilang kalsada ka na.
itong mga taong to nagiging kaibigan natin. minsan higit pa. mahirap ipaliwanag e. basta yung feeling mo na ayaw mo nang malayo sa kanila o ayaw mo na silang mawala sayo. dahil mahalaga na sila. at kahit alam mong nagiging selfish ka na o possessive wala kang paki-alam kasi pagkasama mo sila o kausap mo lang, hindi mo iisiping mali ka. bihira tayong maapektuhan ng ganon katindi. at pag nagkakataon, alam mong nag level up ka na.
pero paano kung dumating yung panahon na kailangan na nilang umalis. dahil nakahanap na sila ng bagong ruta. paano mo lalabanan yung sarili mong selfishness na nauuwi sa pagkainis, pagkainis sa lahat ng bagay na hindi mo kontrolado.
paano mo paniniwalain yung sarili mo na kaya mong maging maligaya e yung tanging nagpapasaya sayo naghahanap ng kaligayahan niya sa iba. paano mo haharapin yung katotohanan na gaano mo man ibigay sa kanya ang lahat ng pagpapahalaga, hindi siya mapapasayo. dahil para sa kanya isa ka lang sa mga nadaanan niya.
paano ka magkakaroon ng sapat na kaisipan at katinuan para tanggapin na isa ka lang stop-over at hindi ang destinasyon.