LAUS ang surname ko!
Mayo 6, 2007
Ang angkan ng mga LAUS sa PAMPANGA ay kinilala bilang pinakamahusay sa larangan ng negosyo at pulitika, bilang pinakamasipag at pinakamatalino, and evetually, pinakamayaman.
Shocks! Dahil nga ganito sila kasikat, di maiiwasang itanong sa akin ng mga tao na:
“Kaanu-ano mo sila?”
Sa totoo lang, hindi ko alam…
Kaya humirit na lang ako…
“TAGAPAGMANA HO NILA AKO…”
hehe… baka ma-kidnap ako nito… aroo…
nakapanghihilabot na panaginip… katotohanan kaya???
Abril 9, 2007
Ganito ang setting, ready to sleep na ako, ganoon pa rin ang ayos ng kama at kwarto ko, pero ang weird nito eh ang stuffed toy na aso na ibinigay sakin ni panchikoy eh nasa desk at nakaharap saken, itinago ko kasi iyon sa isa pang kwarto.
Pero mas nagulat ako nung biglang nagsalita, malaki ang boses at lalaki ang nagsasalita. Parang words ng ibang language ang sinasabi niya.
Habang palakas ng palakas eh hindi ako makagalaw at makahinga. Kumilos yung stuffed toy. Lumakad siya papunta sa akin at patuloy pa rin niyang sinasambit ang mga words na hindi ko maintindihan.
Pinilit kong magising sa panaginip na iyon. Nung naimulat ko na ang mga mata ko eh parang nananaginip pa rin ako. Hindi pa rin ako makakilos, makahinga ng maayos at pinagpapawisan ako ng todo-todo. Patuloy ko pa rin naririnig ang boses.
Naroon ang tita ko at dalawang pinsan sa kwarto. Pinilit kong sumigaw pero walang tinig na lumalabas.
Naiiyak na ako.
Nagdarasal na ako.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Nung idilat ko ulit ito eh, nagulat na lang ako dahil nakapatong ang stuffed toy saken at nagsimula na naman magsalita. Naigalaw ko yung kanang kamay ko. Hinagis ko ang stuffed toy palayo sa akin. Natanggal nga yung isang tenga niya sa sobrang lakas ng pagkakahagis.
Tapos biglang lumiwanag.
Nagising ako.
Umaga na.
Tulog pa rin ang mga kasama ko.
Dali-dali kong pinuntahan ang kinalalagyan ng stuffed toy.
Naroon pa rin. Pero wala ang isang tenga.
Ano kaya ang ibig sabihin nito?