The operation
Agosto 7, 2007
First time akong operahan… nang gising!
Imaginin mo iyon, nakikita mo na hinahati ang isang maselang(as in censored) part mo ng scalpel, tapos tinuturukan ka ng 5 inches na haba ng karayom. At take note! Hubad ka! Tapos, eto pa ang matindi, nasa kalagitnaan ka ng iyong PERIOD!!! wahahaha… SUPER DUGO!!!
Higit pa sa giyera ang makikita mong dugo!!! Super hilo na ako sa hinihigaan ko. Iyak na ako ng iyak sa sobrang sakit ng mga karayom at scalpel. Kahit na tinurukan na ako ng anesthesia eh para bang lalo ko lang naramdaman ang sakit.
Nurse: Para naman sa kapatid mo iyan eh.
Ako: Oo nga po… huhuhu… tissue please?
May dalawang tubo na iniligay sa akin para sa gagawing harvesting ng cells.
Doctor: Wag ka muna mag-a-underwear ha, baka ma-dislocate yung mga tubo.
Ako: Ha? May period po ako, paano nun?
Doctor: Hmm… pwede ka pa naman mag-diaper.
Diaper?! Yeah! First time ko rin mag-diaper.
Imaginin niyo ulet. Naka-diaper ako at umiiyak… Kulang na lang eh dede dahil mukha akong baby damulag!!!
Dumating ang mga pinsan ko. Putek talaga ang mga iyon. Wala na nga silang dalang pasalubong, sinabihan pa akong…
PINSANS: Mukha kang tanga…
Mga cold-blooded creatures!!! Di niyo lang alam ang dinanas ko! GRRRR…
As of now, hindi na ako umiiyak, pero masakit pa rin, halos hindi ako makatayo’t makalakad. Kumakain pa rin ako ng saging as the doctor recommended.
Doctor: Wag kang titigil kumain ng saging hangga’t di ka nagiging unggoy!
Ako: Doc naman, may buntot na nga ako eh!
So, I hope that this sacrifice together with your prayers save my brother’s life. I love you Butchok! Magpagaling tayong dalawa! GO! GO! GO!
baby, baby, pano ka ginawa?
Mayo 20, 2007
Aminadong malapit ako sa mga babies at sa iba pang bata batuta. Ewan ko kung bakit ganun. Parang ang gaan ng loob ko sa kanila. At ganun din sila sa akin. Ang akala ko this is good for me, pero hindi pala.
Sumakay ako sa isang jeep, mayroong baby sa kanan ko, umiiyak. Actually, deadma talaga ang lola niyo dahil busy ako sa kachikahan ko. Tapos eh bigla na lang nagpapakandong sa akin yung baby. Ayaw ng mommy niya at pinapalo yung baby. Sabi ko sa mommy niya ok lang para sa akin.
Kinandong ko yung baby, tapos nag-play lang kami. Napansin ko na baby boy pala itech at ang haba ng duck tail niya. Binulong ng kachikahan ko:
“Di ba malibog yung mga taong may duck tail?”
Nung una eh, natawa lang ako. Pero nung kalaunan eh totoo pala iyon.
Tumayo yung baby tapos in-embrace niya ako. Hinalikan niya ako ng hinalikan sa mukha. Natatawa lang ang mga kasama namin sa jeep. Sumisigaw ng: “How sweet!”
Pero sa totoo lang, iba na ang nararamdaman ko. Nagsimula niya ako dilaan sa tenga and then sa neck. Nagulat talaga ako. Binaba ko yung baby, tawa ng tawa at parang gustung gusto niya ang ginagawa niya sa akin.
At ako naman.. parang… waaah… weird!!!
Bumaba na kami ng kachikahan ko sa jeep.
Tanong ng kachikahan ko:
“Anung feeling?”
Sagot ko.
“Hmm… Kung hindi lang yun baby, inihagis ko na siya sa daan!!!”
Hay… Thank God!!! Buti na lang at yun lang ang ginawa niya sa akin. Akala ko magpapa-breastfeed pa siya akin eh!!!
MGA EXPERIENCES SA JEEPNEY… PART I
Disyembre 30, 2006
JEEPNEY: n. 1. sasakyang binubuo ng gasgas na makina, flat tires, bakal na may kalawang, dalawang maalikabok na upuan, maduming tambutso at sira ulong drayber.
Hmmm… dapat ganito yung ilagay na meaning sa dictionary. ehe. wawa naman ang mga drayber.
naging bahagi na ng ating buhay ang mga jeepney at ang drayber nito. marami silang naitutulong sa atin. actually, may 100 uses sila. e2 un
1) para sakyan natin…
2) …
…
100)
isa lang pala ang naisip ko. ehe. sa tingin ko mas marami yung disadvantages nila. eto un…
1) sila ang dahilan kung bakit tayo nale-late matakaw ang drayber.
sira ang makina. mabagal ang gulong. mataba ang mga pasahero kaya mabagal. ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit tayo nale-late sa mga appointments natin.
2) sila ang dahilan kung bakit maraming lalaki ay nababaog
dahil punuan sa terminal, hindi maiiwasan na sisikip ang space at maiipit ang mga balls ng mga lalaki. dyan maswerte ang mga babae.
3) sila ang dahilan kung bakit may mga biktima ng SHAKEN BABY SYNDROME
ewan ko kung may humps ba o talagang buburukbok (ewan ko kung anong meaning niyan, kayo nang bahala!) ang sasakyan. para kang nasa loob ng isang blender na shi-ne-shake hanggang sa mahilo ka na!
4) makakaranas ka ng "tornado" sa jeepney
ang tagal tagal mong inayos ang buhok mo, tapos pagkababa mo ng jeepney, dinaig mo pa ang rape victim sa sobrang gulo ng buhok mo!!! dyan maswerte ang mga kalbo.
5) bobo sa math ang mga drayber
ewan ko kung sinasadya nila na mali ang sukli na ibinibigay sayo. swerte pag sobra. malas pag kulang. kaya nga pati tayo nahahawa na rin sa katangahan nila eh.
ang pagiging drayber ay mahirap. dapat may mga qualifications bago ka maging drayber noh. dapat pumasa ka sa tests sa "bar exams"
1) math exam
not exactly calculus, pero pwede na rin ang trigonometry… hmmm… masubukan nga!!!
2) psychology test
maraming babagsak dito.
3) sanitation exam
ang daming mababaho tsaka punung puno sila ng black na kulangot sa kakasinghot ng maitim na usok.
4) medical exam
lung cancer. cancer sa heart. cancer sa brain. cancer sa bulsa.
5) values exam
review nila ang "tandang rexing makunat"… naglalaman ng mga gospels ni mam rexi (teacher namin sa values)
hay naku… hindi na mabubura sa mundo ang mga jeepney at drivers… nakadikit na sa ating kapalaran na mabuhay kasma nila… talagang mapaglaro ang tadhana… ehe…
adbentyurs ko sa baguio…
Disyembre 12, 2006
pumunta kami sa baguio nung sabado para mag-test sa SLU-CEE… hindi namin alam na may paparating na bagyo kaya pagkababa ko ng bus nun ay ginaw na ginaw ako. hulaan niyo kung ano ang suot ko?? huwag niyo ng hulaan dahil sasabihin ko na. SHORTS AND TEE. grabe!! nangitim yung mga kuko ko sa paa. dinaig ko pa ang patay sa kulay ng balat ko.
dumating kami sa dorm ng tita ko. expect ko may heater sa dorm nila. pero PUSANG KINALBO!! walang heater. ini-imagine ko pa lang, panu kaya ako maliligo???
kaya nung pagkabuhos ko ng tubig sa katawan ko… SUMIGAW AKO NG MALAKAS!!! AS IN BWAAAAAAHHHH!!!
bad trip pa rin the next day. pumunta ako ng SLU at walang nadatnang GWAPINGS!!! pusang kinalbo!!! pare-pareho na nga ang get-up ng mga tao dito… pare-pareho pa rin ang pagmumukha nila!!!
GRABE!!! mabubuhay kaya ako kung dun ako mag-aaral???