The operation

Agosto 7, 2007

First time akong operahan… nang gising!

Imaginin mo iyon, nakikita mo na hinahati ang isang maselang(as in censored) part mo ng scalpel, tapos tinuturukan ka ng 5 inches na haba ng karayom. At take note! Hubad ka! Tapos, eto pa ang matindi, nasa kalagitnaan ka ng iyong PERIOD!!! wahahaha… SUPER DUGO!!!

Higit pa sa giyera ang makikita mong dugo!!! Super hilo na ako sa hinihigaan ko. Iyak na ako ng iyak sa sobrang sakit ng mga karayom at scalpel. Kahit na tinurukan na ako ng anesthesia eh para bang lalo ko lang naramdaman ang sakit.

Nurse: Para naman sa kapatid mo iyan eh.

Ako: Oo nga po… huhuhu… tissue please?

May dalawang tubo na iniligay sa akin para sa gagawing harvesting ng cells.

Doctor: Wag ka muna mag-a-underwear ha, baka ma-dislocate yung mga tubo.

Ako: Ha? May period po ako, paano nun?

Doctor: Hmm… pwede ka pa naman mag-diaper.

Diaper?! Yeah! First time ko rin mag-diaper.

Imaginin niyo ulet. Naka-diaper ako at umiiyak… Kulang na lang eh dede dahil mukha akong baby damulag!!!

Dumating ang mga pinsan ko. Putek talaga ang mga iyon. Wala na nga silang dalang pasalubong, sinabihan pa akong…

PINSANS: Mukha kang tanga…

Mga cold-blooded creatures!!! Di niyo lang alam ang dinanas ko! GRRRR…

As of now, hindi na ako umiiyak, pero masakit pa rin, halos hindi ako makatayo’t makalakad. Kumakain pa rin ako ng saging as the doctor recommended.

Doctor: Wag kang titigil kumain ng saging hangga’t di ka nagiging unggoy!

Ako: Doc naman, may buntot na nga ako eh!

So, I hope that this sacrifice together with your prayers save my brother’s life. I love you Butchok! Magpagaling tayong dalawa! GO! GO! GO!

4 Tugon to “The operation”

  1. sawn sinabi

    at nabuhay ka ulit. nilumot na yong last entry mo. wb!

  2. blogkotonoh sinabi

    hahaha, si lolo sawn talaga, well i’m super busy, gosh, kinakarir ko talaga ang college.. wahahaha..

  3. Maligner sinabi

    Somehow i missed the point. Probably lost in translation :) Anyway … nice blog to visit.

    cheers, Maligner.

Mag-iwan ng Tugon