Am i not a good friend?
Mayo 23, 2007
Hay, another entry, pero this time, magdadrama ako…
When I was in highschool(parang ang tanda ko na), eh may naging kaibigan ako. Actually, one whole academic year ko lang siya naging friend. Pagkatapos noon eh natapos na, hindi naman ang friendship, communication lang siguro.
Nung before ko siya naging classmate eh nagkaroon ako ng crush sa kanya, simpleng paghanga lang ika nga nila. Pero that friend was a GIRL!!! Kaya nga ba na-tsismis ako nung magka-kaklase na kami the next year.
Masaya ang bonding namin. Nagkakilala kami ng husto dahil lagi kami magka-groupmates. Sa kanya ko naranasan ang lahat ng first time, yung kumain ng isaw at uminom ng sago na mabibili lang sa tabi ng kalsada, nonstop lumibot at umuwi ng gabi… Bad influence ba? Hmm…
Hindi siguro… Marami rin akong natutunan. Naalis ang pagkamahiyain ko, naging madaldal, naging sensitive sa feelings ng iba at higit sa lahat, maging masaya kahit nilalamon ka na ng kalungkutan.
Pero natapos ang lahat ng ito nung may ginawa akong karumal-dumal.
Isang gabi habang nakasakay sa jeep, pinag-usapan namin yung lalaking crush niya, at the same time may crush din sa kanya.
FRIEND: Ang ayaw ko lang sa kanya ay yung porma niya. Shorts… dambuhalang rubber shoes… hmm… di bagay sa kanya… blah.. blah…
And by the end of our conversation ay may pinaalala siya.
FRIEND: Wag mong ipagsabi yung mga ‘to ha…
Ako naman… what can you expect sa isang secret breaker na katulad ko? Ipinagsabi ko. And the worse is sa lalaking iyon mismo. Well, my purpose is to change the boy the way my friend wanted him. Pero ibang ang naging impact. Hindi na itinuloy ng boy ang panliligaw niya sa friend ko. What a mess!!!
Hindi ko alam ang dahilan. Pero my instinct tells me na nainis siguro yung boy sa mga nasabi ko.
Hmm…
Tinatanong ko sa friend kung ano nangyari. But she never opened. Ayaw na niyang maalala pa.
Ano kaya?
hay naku. mali mo talaga yun. wag ka lumingon. oo, ikaw ang tinutukoy ko. mali talaga yun. dapat sa inyo lang yun. at kung i tsismis mo yun sa guy na yun, dapat subtle lang. or di chismis ang dating kundi komentaryo mula “sayo”
(i.e “di ka ba nahihirapan sa shoes mo? parang ang laki kase… well akin lang to ha? parang di bagay sayo. pramis. baka yan lang maging dahilan at mababawasan fans club mo kaw din. hehehe. pero cute ka pa rin. pramis. at mas bagay sayo kung lagi kang naka long pants kesa sa shorts, mas mukha kang hunk tingnan sa long pants eh.”)
motivation ek ek.
eh di, di magagalit yung guy. ma aapreciate pa nya comments mo. eneweys, matagal na yun imagine hiskool ka pa? eh ilang taon ka na ngayon. ni ayaw mo ng banggitin age mo. pero malamang madami kang natutunang lessons dun. dahil kung wala malamang di mo ito isusulat ngayon. peace! advice lang mula sa lolo mo.
harhar.. pinangangatawan mo na talaga ang pagiging lolo ko ha… well, dapat ganyan ginawa ko. nakakabanas kasi, pag minsan tinotoyo talaga yung utak ko! ilan taon na ako? Hmm.. i-search mo yan sa yahoo or google.. harhar..
at least ngayon meron ng taga comment sayo. hehehe. napapansin ko. pag malibog yung blog dami pumapasok. yung sakin halos 2 months pa lang. libo na bumisita. hayz. tao talaga….
nyahaha… ganun… kung pwede nga lang eh.. lam mo na.. santo mga nakatira dito.. harhar…
Cool…
cool ba? drama nga eh… aha!!
Cool!