HAHA.. natamaan ka ba? Actually, hindi naman ito masama, lalo na ngayon panahon ng tag-hirap. Eh paano naman kaya kung gusto ka ng hiwalayan ng GF/BF mo dahil sa kakuriputan mo?

HMMM…

GUMAWA KA NG PALUSOT!!!

Here’s a list na pwede mong gawin para makaiwas ka sa mga demands ng partner mo.

1. Awayin mo ang GF/BF mo right before your monthsary, anniv, or his/her birthday. Pero wag masyadong grabe para magkabati kayo agad right after the said events. Ingat lang kapag sensitive ang partner mo. Baka isumbong ka sa parents niya. HUHUHUHU…

2. Kapag nagyaya ng date at ikaw ang taya, yayain mo na lang siya mag-group study kayong dalawa. Sabihin mo na lang na study first before dating. HAHAHA…

3. Kung may financial problem ang partner mo, bigyan mo lang siya ng sleeping pills. Sabihin mo na lang itulog na lang niya ang problema niya at baka mabaliw pa siya.

4. Kapag nagugutom ang partner mo at gustong magpalibre aba’y sabihan mo lang na “THIN IS IN, magpa-payat ka!!!”

5. Kung nangangarag at nawiwindang na ang partner mo dahil wala pa siya natatanggap kahit anong regalo mula sa yo, sabihin mo lang na: “Hmm… KISS NA LANG… hmm… masarap ako mag-kiss… lasang strawberry!!!”

Wahaha… Ingat lang… Baka mahalata na kayo ha…

Mag-iwan ng Tugon