TAY, “green” din naman kayo ha?
Mayo 3, 2007
Dahil siguro liberated ang mundo eh marami nang nagiging open tungkol sa… ahem.. lam niyo na… ES-I-EKS…
Aaminin ko, kahit nung bata pa ako eh green na ako pero hindi ko pa yun pinapakita kasi ala naman akong mapagsasabihan nun. Medyo sensitive pa kasi ang mga tao nung panahon na yun. Pero ngayon, tumingin ka sa kaliwa, may porn magazine, tumingin ka sa kanan, may video scandals, tumingin ka sa likod, may porn movies, at tumingin ka sa salamin, may malibog na tao(chemay!!!)
Naging open ako sa usapang yan kasi laging pinag-uusapan ng mga pinsan ko. Di lang nila pinag-uusapan, ginagawa pa nila. Kaya ngayon, kung hindi sila nabuntis, nakabuntis!!!
Tapos dumating pa sa buhay ko si “panchikoy”, isang nurse. Andame niyan naturo saken. Kaya nga idol ko ang mga nurse. Alam nilang alagaan ang sarili nila pagdating sa ganyan.
Ang mga classmates ko, asus, kahit nasa star section kami eh hindi kami inosente tulad ng iniisip nila. Hindi naman sa nilalahat ko(hindi ba?), may alam na rin sila tungkol dun. Naging hobby na nga nilang manood ng scandal sa cellphone eh. Tapos nung nagdala ako ng “green books” na hiniram ko kay “panchikoy” sa klase eh parang bagyo. Yung isang kaklase ko nga eh nanginginig habang binabasa yun.
Dahil sa naging open ako eh napagalitan na ako ng erpats ko. Nakita niya yung mga “green books” ko sa kwarto. Halos umiiyak na siya nung pinagalitan ako(parang baliktad).
Ayaw ko talaga ang erpatz ko kapag ganito, kunwari inosente pero malibog din naman. Kapag nagbabasa ako ng texts ng erpats ko sa nanay ko laging may “green”. For example, it goes little something like this: EXCITED NA BA ANG MANI MO?
Eew di ba? Kaya nga sagot ko na lang sa erpats ko eh ganito:
“
TAY, ‘GREEN’ DIN NAMAN KAYO HA?!”
hmm. speaking of greens….. dalaw ka minsan sa blog ko. magbutingting ka dun. wag kang mag alala di ka aabutin ng ilang oras dun. bago pa lang kase. leave some comments din para malaman ko you set foot. —> http://www.pasakalye.wordpress.com
sige po… tnx din sa pagdalaw dito…