He’s just a FLING!!!

Abril 29, 2007

FLING: n. lovers with no commitment.

It’s almost seven months since he started courting me(tagal noh?). Biruin mo, sino bang lalaking na nasa matinong pag-iisip ang magtitiis at maghihintay ng ganoon katagal? Kahit na alam niyang wala naman talaga ako gusto sa kanya eh nandyan pa rin siya. Hindi naman sa maarte at mapili ako sa lalaki(hindi nga ba?) eh wala pa talaga sa plano ko ang magka-bf sa dami ng pinoproblema ko ngayon. Ewan ko ba… Di naman ako ganoong kaganda para hintayin niya… Love is blind ika nga nila…

Siya na siguro ang pinakamatinong manliligaw. Kase siya yung tipong hindi nagde-demand sa nililigawan niya. Imbes na sabihin niyang:

“Kelan mo ako sasagutin?”

Eh ganito pa ang sinasabi niya sa akin:

“Sagutin mo ako kapag ako na talaga ang gusto mo.”

O di ba? HEAVEN!!! Kaya nga kahit papaano eh nahuhulog na rin ako sa kanya.

Kaya lang… gusto ko nga siya… pero hindi pa ako handang magka-commitment…

So we end up as “FLINGS”.

Sa ngayon, masaya ako, dahil kahit papaano eh may nasasandalan ako kapag may problema ako.

Di ko alam kung may patutunguhan ang ganito.

Di ko alam kung kelan ito magtatagal.

Pero one thing is for sure: MASAYA KAMI!

5 Tugon to “He’s just a FLING!!!”

  1. sawn sinabi

    “masaya kami” parang ang hirap atang paniwalaan yun ah. well siguro for a start. yung term kase na masaya nag coconote sa word na “contentment” pero sa base ng entry mo. you are just not into it. or he is not really into it, too. or… well, dunno the whole story. complex kase yan. mahirap i dissect yung isip ng taong hindi nagbibigay ng taning or realization na sumthings cannot be materialized, like, “bahala ka kung klan mo ako sasagutin…” well siguro nga may tanga…. sa pag ibig.

    but sumhow, its good to hear na meron pang ganyan. grab mo na. learn to love him. endangered na mga ganyan. don’t settle for a fling with that kind of guy. move 1 more step closer. commit.

  2. blogkotonoh sinabi

    nyaha…

    pati ako di ko alam kung ano ba talaga… feeling ko tuloy napaka-selfish kong tao… hindi ko iniisip ang nararamdaman nung boy na yun…

    ang hirap… ewan… he’s good pero parang may hinahanap pa akong iba eh… ganun… well… tnx for the comment…

  3. sawn sinabi

    nyahahaha! Oh my god. ng tiningnan ko ang side bar mo nakita ko yung libog at pag ibig. hmmm? sounds familiar… ng pinadaanan ko ng mouse. nyahahaha! blog ko pala! oi! tinatransfer ko na sa http://www.pasakalye.wordpress.com natutuwa talaga ako. kase naki gate crash lang ako sa blog mo. naki basa…. hmmm. ok naman. so nag comment na ako minsan. hehehe. eto nga. nakita ko yung blog sa side bar mo. hayz. small world. wala ata dun yung trip to hell? ewan ko lang. meron na din ako nagawa trip to heaven naman. basta pasyal ka dun. at usap tayo.

  4. blogkotonoh sinabi

    sige… idol mo pala si boy abunda ha… pero parang kulang… kukumpletuhin ko lang… “KAIBIGAN… USAP TAYO!”

  5. sawn sinabi

    nyahahahaha! sige kaibigan, usap tayo! nyahahahaha! sa pag babalik ng……..

Mag-iwan ng Tugon