Happiness makes you BEAUTIFUL
Abril 28, 2007
I just think that happiness is what makes you beautiful
Ito ang sinabi ni Drew Barrymore nang tanghalin siyang People’s ‘Most Beautiful’.
Pero… duh!!! Sa panahon ngayon eh napakaraming bagay na talaga namang nakakapagpalungkot at nakakapangit.
Para maiwasan ang mga bagay na ito eh sundin niyo ang mga advices ko para gumanda kayo tulad ni Drew Barrymore… at tulad ko!(may pahabol?)
1. Be a positive thinker
Di lang ito nakakaganda, pwede pang humaba ang buhay mo. Ang pagiging pessimist can lead to many wrinkles. Pangit naman nun noh, parang dinaan ng marker yung noo mo.
2. Wag problemahin ang problema, dapat solusyunan!
Every problem has a solution. Kaya don’t worry so much. Nakaka-dandruff, nakakapayat at nakaka-pimples ang sobrang stress. Naalala ko yung classmate kong muntik ng makalbo dahil sa sobrang stress. Kawawa naman.
3. Let love come in.
Wag masyadong pakipot pag lumalapit sayo ang LOVE. Hayaan mo lang siyang maging bahagi ng buhay mo. Naalala ko yung isa kong friend at the same time classmate ko rin. Napakaraming tigidig sa mukha yung babaeng yun noong first year pa lang kami. Pero ngayon may bf na, aba, para bang nagpa-plastic surgery dahil nawalang lahat ang mga pimples niya!
4. Be contented on who you are and what you have.
Tanggapin mo kung anuman ang ibinigay sayo ng Diyos. Wag ka ng maghanap pa ng iba. Wag mo rin ikukumpara ang sarili mo sa iba. Tanggapin mo rin ang mga weaknesses at limitations mo.
5. Take EXTRA efforts in taking care of yourself.
That line is familiar di ba? Galing yan kay Gretchen Baretto sa commercial ng Pantene. Well, totoo yun, sa itsura pa lang niya, right? Isipin mo na lang, kung may TB ka, sa tingin mo may taong lalapit sayo? Siyempre wala, at magiging loner ka, at malulungkot ka kaya papangit ka. Health is wealth so we should treasure it.
Hmm… may kulang pa ba? So, as much as possible, BE HAPPY AND BE BEAUTIFUL!… tulad ko!(may pahabol na naman?!)