ang mga kabulastugan ko…
Abril 25, 2007
Another confession to make. Isang balasubas ang lola ninyo. Maniwala man kayo at sa hindi eh ako na yata ang papalit kay Satanas sa sobrang dame ng mga kabulastugan na ginawa ko sa buhay ko. Heto ang Top 5 sa mga kabalatugan na hindi niyo akalaing magagawa ng isang mukhang “anghel” na
gaya ko.
1. Tumakas sa bahay para makapunta sa isang closing party. Overnight ang closing party namin ng mga classmates ko. Dahil nga huli na itong pagtitipun-tipon eh nagpasya akong pumunta without asking permission from my parents. Putek talaga. Pagkauwi ko sa bahay eh tinadtaran na nila ako ng sermon. 2. Lumayas ako ng bahay. Lage ko ito ginagawa. Pero umuuwi naman ako. Mga 1-2am ang uwian. Ehe. Pinakamaaga na sa akin ang 12am. Kainef kase sa house. Thank God dahil wala pa naman nangyayari sa akin na masama. 3. Telebabad strike Kapag gusto kong maghiganti sa mga magulang eh nagte-telebabad ako. Digitel kami kaya tumatawag ako sa mga alifores kong PLDT o di kaya yung mga long distance. Tapos ang bill namin ranges P2000-P5000. O di ba? Pasaway! 4. Friendster Interfere Kinakalkal ko yung friendster ng ibang tao. Alam ko kasi yung mga password nila at email address. Madalas yung sa mga kaaway ko yung kinakalkal ko. Binubura ko yung mga friends nila o di kaya pinapalitan ko yung password para hindi na nila mabuksan. Alam ko kasi galaw ng pag-uutak ng mga kaaway ko. Kaya madali lang mahulaan ang password. Nyahaha!!! 5. Heartbreaker Tulad nung sa post na Confessions of a Heartbreaker. Madalas talaga ako may nasasaktang tao. Actually, hindi ko naman sinasadya eh. Basta na lang nangyayari. Sorry na lang talaga.